Antigen Test requirement para sa outbound travelers, aalisin ng BI simula November 1

Ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang ibinabang kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na alisin ang antigen test requirement para sa outbound travelers simula November 1.

Pero nilinaw ni Immigration Commissioner Jaime Morente, mahalagang ihanda pa rin ng mga biyahero ang negative COVID-19 test certificate sa mga pupuntahang bansang nire-require pa rin ito.

Dagdag pa ni Morente, nananatiling nakalatag ang iba pang requirements na itinakda ng IATF para sa outbound travel.


Samantala, simula sa November 1, papayagang pumasok sa Pilipinas ang mga foreign nationals na mayroong 47(a)2 visas at mga naisyuhan ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority at Subic Bay Metropolitan Authority.

Ang mga foreign nationals na mayroong visa sa ilalim ng Executive Order 226, o personnel at executives ng isang multinational company sa bansa ay papayagan ding umalis.

Facebook Comments