Antigen Testing Center, binuksan na sa Cainta, Rizal

49

Naniniwala ang Cainta, Rizal Government na malaking tulong ang Cainta COVID-19 Antigen Testing Facility Center na binuksan na sa publiko.

Ayon kay Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto, 100% specificity ang resulta ng isinagawang inital na pagsusuri rito, patunay lamang na napakaganda ng screening test para sa specific population at maaaring magamit para ma-screen ang mga na-expose bago mag-test o pre-symptomatic at ang mga tao naman na mayroong symptoms sa loob ng unang limang araw ay maaaring ma-diagnose ng maaga, habang naghihintay para sa confirmatory RT-PCR agad silang ihihiwalay, ika-quarantine at gagamutin.

Dagdag pa ni Mayor Nieto na malaking tulong ito para mapababa ang bilang ng mga mahahawaan ng virus, bukod pa sa napakabilis ng resulta ng pagsusuri na ilalabas sa loob lamang ng 30 minuto.

Giit ng alcalde, sinikap nilang pondohan ito, base na rin sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO).

Facebook Comments