Ilang kompanya ng langis, may taas-presyo sa produktong petrolyo

66

Muling magpapatupad ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis bukas, Setyembre 29.

Simula alas-6 ng umaga, magpapatupad ang Petro Gazz, Flying V at Shell ng P0.05 taas-presyo sa kada litro ng diesel habang P0.20 sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Flying V at Shell ng P0.45 taas-preyso sa kada litro ng kerosene.

Wala namang ipatutupad na price adjustment ang Clean Fuel.

Facebook Comments