Inanunsyo na ng Roman Catholic Diocese of Antipolo ang opisyal na pagtatalaga sa Antipolo Cathedral bilang International Shrine simula bukas, March 25.
Ito’y matapos ibaba ng Vatican ang deklarasyon bilang kauna-unahang International Shrine sa Southeast Asia at ikatlong International Shrine sa buong kontinente ng Asya.
Ang naturang simbahan ay may edad na 450 years at naging destinasyon ng mga deboto at mananampalataya sa lalawigan ng Rizal.
Matatandaan na noong June, 2022 ay inaprubahan ng Vatican ang petisyon para gawin itong International Shrine.
Base sa website ng Antipolo Cathedral, ito ay naitayo ng Society of Jesus na pinangunahan ni Rev. Juan de Salazar.
Dito unang inilagay ang image ng Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje o mas kilala sa tawag na Our Lady of Peace and Good Voyage na dumating sa Pilipinas noong June 26, 1626.
Ginawa itong Cathedral noong June 25, 1983, matapos ang canonical erection ng Diocese of Antipolo.