Number coding scheme sa NCR, suspendido sa April 6-10

Suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila simula April 6 hanggang April 10 kasabay ng paggunita sa Semana Santa.

Kasabay nito, pagaganahin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang “Oplan Metro Alalay Semana Santa 2023” simula April 5 hanggang April 10.

Aabot naman sa mahigit 2,000 na tauhan ng MMDA ang ipapakalat sa mga pangunahing kalsada sa National Capital Region (NCR).


Ipatutupad din ng MMDA ang “no day off, no absent” policy sa April 5, 6 at 10 sa harap ng inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa Holy Week.

Facebook Comments