Antipolo City government, ipatutupad na ang barangay coding sa mga wet market

Inihayag ng pamunuan ng Antipolo City na pumayag na simula bukas, Huwebes, July 2, 2020 ang Inter-Agency Task Force (IATF) na muling ipatupad ang barangay coding sa mga wet markets sa buong lungsod, upang matiyak na nasusunod ang mga precautionary measures tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask sa mga palengke na maituturing na high risk areas dahil sa dami ng mga taong namimili dito.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares, base sa Inter-Agency Task Force guidelines, ang wet markets o palengke lamang ang pwede sakupin ng barangay coding at wala nang iba.

Paliwanag ng alkalde, maliban na lamang kung ang mismong nagmamay-ari ng establishment tulad ng grocery, restaurant, mall, atbp. ang magpapatupad ng sarili nilang barangay coding.


Dagdag pa ni Mayor Ynares, Lunes at Huwebes, ang barangay coding ay sa Cupang, Sta. Cruz, Calawis, San Roque, San Luis at Barangay Inarawan, habang sa Martes at Biyernes naman ay sa Barangay Bagong Nayon, Muntindilaw, San Isidro, Beverly Hills, Mayamot, at Barangay Dalig, at sa Miyerkules at Sabado naman ang barangay coding ay sa Barangay dela Paz, Mambugan, San Juan at San Jose.

Para naman sa mga taga-Brgy. Cupang, susundin pa rin nila ang umiiral na “sitio coding scheme.”

Facebook Comments