Umani ng mataas na suporta sa bansa partikular sa mga doktor ang experimental antiviral pill na molnupiravir ng kompanyang Merck & Co. bilang gamot sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante kasunod ng mga aplikasyon nito para sa Emergency Use Authorization (EUA) sa ibang bansa.
Ayon kay Solante, malaki ang acceptance sa molnupiravir sa ating bansa.
Lumalabas sa datos na nakakatulong ang gamot para mapigilan na mag-develop o humantong sa severe infections ang mga mild at moderate cases ng COVID-19.
Sa Pilipinas ay ginagamit na rin ang molnupiravir pero sa ilalim lamang ng Compassionate Special Permits (CSP).
Facebook Comments