Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol kagabi

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Sultan Kudarat alas-9:09 kagabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ng episentro ng lindol sa layong limang kilometro hilaga ng Columbio, Sultan Kudarat.

May lalim ang lindol 12 kilometers at tectonic ang pinagmulan.


Naramdaman ang Intensity II sa Columbio, Sultan Kudarat at Intensity I sa Makilala at Arakan sa Cotabato province.

Mahihinang aftershocks naman ang naranasan sa Koronadal City, South Cotabato.

Sa ngayon, wala pang halaga ang pinsalang idinulot ng lindol sa ilang apektadong lugar.

Facebook Comments