Apartment ng isang OFW sa Dagupan City nilooban, suspek kalaboso

Nilooban ng isang lalaki ang apartment ng isang OFW sa Caranglaan Dagupan City.
Kinilala ang may ari ng apartment na si Ma. Jennievee Japson, trenta anyos, isang OFW.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP Dagupan na habang mahimbing na natutulog ang biktima kasama ang kanyang asawa ay bigla nalang itong nakarinig ng ingay at nakita ang isang lalaki na nakapasok na sa kanilang apartment na dahilan para ito ay sumigaw at humingi ng tulong.
Agad namang tumakbo ang magnanakaw dala ang ninakaw nitong dalawang cellphone, isang flat iron maging extension wire na sa kabuaan ay nagkakahalaga ang mga gamit ng 31,000.
Positibong kinilala ng biktima ang suspek na siyang pumasok sa kanilang apartment na si Henrich Claveria, bente uno anyos at residente ng Sitio Puelay Caranglaan District Dagupan City na may nakabinbin na ding kaso ng pagnanakaw.
Sa ngayon ay nas kustodiya na ang suspek ng PNP Dagupan.

Facebook Comments