Cauayan City,Isabela- Tumagal ng isang oras bago idineklarang fireout ang nangyaring sunog sa isang apartment dakong alas-9:00 ng umaga kahapon (November 12, 2021)sa Brgy. Baculud, City of Ilagan, Isabela.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay FO2 Carlo Angelo Gangan ng BFP City of Ilagan, nagmula ang sunog sa LPG tank na ikinabit ng kaanak ng 93-anyos na Ginang at ilang minuto pa ng biglang sumiklab ang sunog sa naturang apartment.
Ayon pa kay FO2 Gangan, nagtamo ng 1st degree burn ang 34-anyos na lalaki matapos mapuruhan ang kanyang mukha.
Aabot naman sa P100, 000 ang halaga ng pinsala sa nangyaring sunog.
Pansamantala namang kinuha ng mga tauhan ng BFP ang tangke ng LPG upang pag-aralan ang nangyaring sunog.
Paalala naman ng BFP sa publiko na tiyakin na walang singaw at nasa maayos na kondisyon ang tangke ng LPG upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente.