Isang negosyanteng lalaki na nagbebenta at namemeke ng vaccination card, arestado sa Caloocan City

Kalaboso ang may-ari ng sari-sari store matapos mahuling namemeke at nagbebenta ng fake COVID-19 vaccination card sa Caloocan City.

Sa isinagawang entrapment operasyon ng Caloocan City Police sa Phase 7, Package 2, Bagong Silang, Caloocan inaresto ang suspek na si Benjamin Marilao, 52 anyos.

Ayon kay Caloocan Police Chief PCol. Samuel Mina, hinuli ang suspek matapos mameke at magbenta sa halagang P500 ng fake vaccination card sa isang pulis na nagpanggap na bibili nito.


Narekober kay Marilao ang computer na gamit sa pamemeke ng vaccination card at mismong mga pekeng vaccination card.

Facebook Comments