Apat hanggang limang testigo ihaharap sa pagdinig ng Senado ukol sa kontrobersya sa NBP

Alas dyes ng umaga bukas ay magpapatuloy ang pagdinig ng Senado ukol sa mga eskandalong bumabalot ngayon sa New Bilibid Prison at Bureau of Corrections.

 

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, may mga pinirmahan syang subpoena para sa mga dokumento at mga testigo na pawang mga dating inmate sa bilibid at mga dating opisyal ng BuCor.

 

Inaasahan ni Sotto, na ilalantad ng mga testigo ang katotohanan at buong detalye sa umano’y bentahan ng good conduct time allowance at hospital pass sa loob ng bilibid.


 

Kaugnay nito ay inilabas naman ni Senator Christopher Bong Go ang nakatalikod na larawan ng kanyang malaking testigo sa pagdinig bukas.

 

Nandito na sa senado ang testigo ni Senator Go na may alam sa ilegal drug trade sa loob ng bilibid na kinakasangkutan ng walong drug convicts.

 

Nauna ng binanggit ni Go na ginagamit ng nabanggit na drug convicts ang NBP hospital para isagawa ang kanilang ilegal na transaksyon.

Facebook Comments