Apat katao, arestado sa anti-drug operation sa Maynila

33

Manila, Philippines – Kalaboso ang apat na katao matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isang bahay sa Area B, Gate 10, Parola Compound, Tondo, Maynila.

 

Nakilala ang mga suspek na sina Mariet Bulan, 45 taong gulang; Anarose Balboa, 33 taong gulang; Jayson Valdez, 20 taong gulang; at George Irinco, 21 taong gulang.

 

Ayon sa mga tauhan ng barangay, may natanggap silang impormasyon na may mga gumagamit ng illegal na droga sa bahay.

 

Agad itong ipinagbigay-alam sa mga pulis at naabutan doon ang mga suspek.

 

Nakuha mula sa kanila ang apat na sachet ng sinasabing shabu at mga drug paraphernalia tulad ng improvised tooter, aluminum foil at lighter.

 

Nakakulong na ang mga suspek sa Moriones Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Facebook Comments