Isang 16-anyos na lalaki, binasag ang mahigit isang daang konkretong bloke gamit ang kaniyang ulo

Nakuha ng isang 16-anyos na Bosnian Black Belter sa taekwondo ang bagong world record.

 

Ito’y matapos basagin ni Kerim Ahmetspahic ang 111 konkretong bloke gamit ang kanyang ulo sa loob lamang ng 35 segundo.

 

Kakaiba ang naging paraan ni Ahmetspahic para basagin ang mga bloke.

 

Sa halip kasi na lapitan, isa-isa ay nag-tumbling na lang siya sa ibabaw ng mga bloke para basagin ang mga ito gamit ang kanyang ulo.

 

Bagama’t hindi pa opisyal ang world record ni Ahmetspahic dahil walang kinatawan ang Guinness World Records nang gawin niya ito, higit na mas marami naman ang kanyang nabasag na bloke kaysa sa naitala ng kasalukuyang world record holder na si Oliver Grimsehl na taga-Germany.

 

Umabot lang sa 65 na bloke ang nabasag ni Grimsehl gamit ang kanyang ulo noong Mayo ng nakaraang taon.


Facebook Comments