Apat katao, nahulihan ng shabu matapos maaktuhang nagnanakaw sa Pasay

49

Manila, Philippines – Nahulihan ng shabu ang apatkatao  matapos  maaktuhang nagnanakaw sa Pasay City.
  Kinilala ni Police Sr. Supt. Lawrence Coop ang mgaarestado na sina Albert Plantiano, Jaypee dela Cruz, Albert dela Cruz at JoelAlmadin.
  Ayon naman kay SPO1 Giovanni Arcinue,  naaktuhan ang apat na nagnanakaw ng mga gamit tulad ng water pump at iba pa sa lumang gusali ng Metrobank namatatagpuan sa Macapagal Boulevard kanto ng Edsa sa nasabing lungsod.
  Nang kapkapan ang mga nadakip ay nahulihan pa ang isa sakanila ng dalawang sachet ng  shabu.
  Inihahanda na ng Pasay City Police ang mga kaukulangkasong isasampa laban sa apat.
 

Facebook Comments