Driver, arestado matapos mahulihan nga iligal na droga sa Maynila

Manila, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng PoliceCommunity Precint o PCP-6  ang isang drivermatapos mahulihan ng  iligal na droga saSta. Ana Maynila.
  Dinakip din ang live in partner ng suspek at kapitbahayna babae dahil sa panunuhol sa mga otoridad.
  Kinilala ang mga suspek na sina Leo Peñascosas, Rubymarañas kinakasama ng suspek at Joan Pampilo kapitbahay.
  Nabatid na nakabili ng halagang limang daang pisonghalaga ng shabu ang mga operatiba ng mpd station 6 sa suspek.
  At narekober din ang anim na sachet na may lamaghinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 3k piso.
  Pagdating sa presinto dumating ang kinakasama ng suspekat tinangka umanong suhulan ng sampung libong piso ang mga pulis na humuli sakanyang mister .
  Dinampot naman ang kapitbahay ng dalawa na si Pampilo dahilsiya ang nagdala ng perang pagsuhol sa presinto.
  Mariing itinanggi ng suspek na sa kanya ang illegal nadroga maging ang panunuhol sa mga pulis.
  Labis naman ang hinagpis ng kapitbahay na si Pampilo dahilnapag utusan lamang umano siyang maghatid ng pera.

Facebook Comments