Apat na araw na nawawalang BRP Malabrigo sa Bajo De Masinloc nakabalik na ayon sa PCG

Inihayag ngayon ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na nakabalik na ang BRP Malabrigo (MRRV 4402) mula sa apat na araw na pagpapatrulya sa Bajo De Masinloc.

 

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo ang dalawang China Coast Guard, dalawang Militia boats at isang Naval ship ang namataan ng mga tauhan ng Coast Guard na umiikot sa gilid ng  Scarborough Shoal.

 

Paliwanag ni Balilo na tatlong malalaking bangka ng mga Pilipino ang nakita ng mga tauhan ng PCG.


 

Maliban aniya  sa regular na pagtatanong sa PCG ng China Coast Guard sa kanilang presensya sa area, wala namang untoward incidene  na nangyari sa loob ng apat na araw.

Facebook Comments