Pagsasampa ng kasong graft laban sa Philhealth officials, pinag-aaralan ng NBI; Wellmed owner, isasailalim mamayang hapon sa inquest proceedings

Pinag-aaralan na rinĀ  ng NBI ang posibleng pagsasampa ng kasong graft laban sa mga opisyal ng Philhealth.

 

Kaugnay pa rin ito ng “ghost dialysis patients” controversy na kinasasangkutan ng Wellmed Dialysis Center.

 

Ngayon hapon, nakatakda namang isailalim sa inquest proceedings sa Dept. of Justice ang may-ari ng Wellmed na si Dr. Brian Sy.


 

Kaugnay ito ng kanyang kasong estafa, falsification of public documents at paglabag sa Philhealth Laws.

 

Tiniyak naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra na agad na magpapalabas ng lookout orders ang Bureau of Immigration laban sa mga sangkot sa naturang modus operandi.

Facebook Comments