Epektibo ngayong araw ang compressed work week sa mga opisina ng gobyerno sa Bangar La Union dahil sa nararanasang mainit na panahon.
Apat na araw lamang ang pasok ng mga Empleyado rito mula Lunes hanggang Huwebes.
Adjusted din ang office hours ng mga opisina mula alas otso ng umaga hanggang alas syete ng gabi dahil sa pinaikling working days.
Hindi naman saklaw ng naturang kautusan ang mga opisina sa ilalim ng healthcare, emergency response, public market and slaughterhouse operation at waste management division.
Hiling ng tanggapan ang kooperasyon ng publiko sa adjusted working schedule ng mga opisina upang hindi maapektuhan ang kanilang transaksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments