APAT NA ASOSASYON SA TAYUG, TUMANGGAP NG SEED CAPITAL FUND MULA SA DSWD

Tumanggap ng Seed Capital Fund ang apat na asosasyon sa bayan ng Tayug noong Sabado, Enero 10, sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa DSWD, layon ng Seed Capital Fund na suportahan ang mga benepisyaryo sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng paunang puhunan na maaaring gamitin sa pagbili ng kagamitan, pagdaragdag ng produksyon, o pagpapalawak ng umiiral na micro-enterprise.

Ang naturang tulong ay bahagi ng programa ng ahensiya para sa mga indibidwal at grupong naghahangad na magkaroon ng mas matatag na pinagkakakitaan, lalo na sa mga sektor na may limitadong access sa puhunan.

Bukod sa seed capital, kabilang din sa mga benepisyo ng SLP ang skills training at teknikal na gabay upang masuportahan ang maayos at tuloy-tuloy na pagpapatakbo ng mga kabuhayang proyekto ng mga benepisyaryo.

Facebook Comments