ILIGAN CITY- Lubog sa tubig baha ngayon ang apat na barangay nga tubod lanao del norte.
Ito’y dahil sa walang tigil na ulan simula pa kagabi hanggang sa mga oras na ito.
Ayon kay Tubod Provincial Risk Reduction and Management Office Head Vic Mar Paloma ang barangay Tangiguiron, Pigkarangan, Bulod at Poblacion ang siyang na-apektuhan ng pagbaha.
Umapaw umano ang tubig ulan sa kanilang mga drainage kung saan on going ang pagrepair nila sa kasalukuyan.
May 215 na katao ang lumikas sa kani-kanilang tahanan sa barangay poblacion patungog evacuation center samantalang 200 katao rin ang sa barangay pigkarangan.
Inabisohan sila ngayon na mananatili muna hanggang bukas sa evacuation center dahil patuloy parin hanggang ngayon ang buhos ng ulan.
Nasa orange status ng PAGASA ngayon ang tubod lanao del norte kayat patuloy ang pagmomonitor ng PDRRMO sa pamumuno rin ng kanilang alkalde na si Mayor Leoncio Bagul. (GHINER L. CABANDAY, RMN-DXIC)
photo credit – jaddamskho Gementiza
Facebook Comments