Apat na Bayan sa Isabela, Nagdeklara ng Dengue Outbreak!

Cauayan City, Isabela – Nagdeklara ng dengue outbreak ang apat na bayan ng Isabela na kinabibilangan ng bayan ng Luna, Cabatuan, Quezon at Naguillian.

Ayon kay Dr. Nelson Paguirigan ng Provincial Health Office 2 ng Isabela, sa kanilang datus ay mayroon umano na 1,740 suspected dengue case sa lalawigan ng Isabela.

Ito ay dahil narin umano sa patuloy na nakakapagtala ang kanilang tanggapan ng mga nagkakasakit at nagdeklara na ng dengue outbreak.


Matatandaan na nagkaroon ng Dengue awareness day dito sa Isabela noong buwan ng Agosto na mayroong 1,214 na kaso ng nasabing sakit.

Samantala sumusunod naman ang Ilagan City, Echague, Cauayan City, San Mariano at Benito Soliven na may naitalang kaso ng dengue.

Facebook Comments