Apat na BIFF, patay; labing-isa ang sugatan sa inilunsad na Military Operation

Sa Maguindanao, apat na mga miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nasawi habang 11 pa ang sugatan sa openasyon  na inilunsad ng Militar sa Brgy. Pamalian, sa Bayan Datu Unsay, Maguindanao.

Sa Pshsyag ni Army’s 6th Infantry Division Commanding General, Major Gen. Cirilito Sobejana na hinaluglog ng mga sundalo ang naturang lugar at natagpuan ang iba’t ibang war materials kabilang na ang napakaraming improvised explosive device o ied.

Tatlong miembro ng BIFF  ang napatay kabilang ang sinasabing kapatid ni Abu Turaifi na si Ali Abdul malik, ang anak ni Abu Saiden na hindi natukoy ang pagkakakilanlan.


Sa isinagawa namang reinforcement ng grupo ni commander bungos ng BIFF sa grupo nina Abu Turaife ay isa ang napatay at 11 ang nasugatan sa kanilang hanay.

Kinumpirma naman ni Sobejana na dalawang mga sundalo ang nasugatan sa nasabing sagupaan.

Facebook Comments