Casabuena Massacre sa Bulacan, Case Closed na Ayon sa Philippine National Police

Itinuturing nang Case Closed ng San Jose del Monte PNP ang nangyaring pagpatay sa mag-iinang Casabuena sa Barangay Kaypian.

Ayon kay Lt/Col. Orlando Castil Jr, ito’y dahil sa naaresto at hawak na nila ang magka-maganak na suspek sa krimen na sina Joselito Cortes at Wilson Nozal.

Kasunod nito, sinabi ni Castil na kahit sapat na ang mga hawak nilang ebidensya at testimoniya na magdidiin sa dalawang suspek sa krimen, malaking tulong din aniya ang ihahayag na testimoniya ng batang saksi na nakakita sa kanila.


Ipatatawag aniya ng San Jose del Monte City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng summon ang batang saksi kasama ang ina nito para hingan ng sinumpaang salaysay.

Paliwanag ni Castil, natatakot umano ang bata na maglahad ng kaniyang nalalaman kaya’t mismong ang Piskalya na aniya ang siyang magpafacilitate ng testimoniya nito.

Maliban sa ginawang pagpatay sa Pamilya Casabuena, sinabi ni Castil na may iba pang kasong kinasasangkutan ang magkamag anak na suspek tulad ng pagpatay, pagnanakaw at iba pa.

Facebook Comments