Manila, Philippines – Arestado ang apat na bigtime drug personalities sa Caloocan at Malabon, matapos ang ikinasang buy bust operation ng Drugs Enforcement Unit ng Northern Police District.
Ayon kay Chief Insp. Cecilio Thomas, hepe ng DEU-NPD,unang naaresto sa operasyon si Julius Garcia 30 anyos na itinuro ang babaeng sinusuplayan nito na si Jeremy Perez,31 anyos.
Makaraang maaresto ni Jeremy, agad niyang itinuro si Zaldy Medina na siya namang kilalang distributor o pusher sa buong Caloocan at Malabon City.
Inamin naman ng unang naaresto na si Julius Garcia na ang kanyang kinakasamang si Rohanie Ampuan Magdara na siyam na buwang buntis ang pinagkukunan niya ng ilegal na droga at ibinebenta naman sa dalawang nabanggit na Lungsod.
Naaresto si Magdara sa Biñan Laguna matapos ang isinagawang paloap operation ng DEU-NPD.
Nakuha kay Magdara ang isang malaking plastic nanaglalaman ng di bababa sa halos 3 milyong piso na halaga ng shabu.
Kabilang din sa mga narekober ang 2 cellphone, isang lighter at ilan pang bulto ng ipinagbabawal na gamot.
Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang kasong isasampang kaso laban sa mga naarestong suspek.
Apat na bigtime drug personalities, naaresto ng mga operatiba ng DEU-Northern Police District sa Caloocan at Malabon
Facebook Comments