Kinilala ang mga suspek na si alyas Raniel, 23 anyos, binata, walang trabaho; alyas Vhon, 15 anyos, binata, grade 9 student; alyas Daren, 18 anyos, walang trabaho at alyas Romel, 22 anyos, binata, high school graduate, walang trabaho at lahat ay residente ng nabanggit na lugar; habang si alyas Benny ay nakatakas sa mga otoridad.
Sa nakuhang impormasyon mula sa Cagayan Police Provincial Office, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang concerned citizen na may nangyayaring pot session ukol sa paggamit ng iligal na droga sa naturang lugar na agad namang nirespondehan ng mga duty patroller ng Aparri Police Station.
Naaktuhan ng mga pulis ang mga binatilyo na na kasalukuyang gumagamit ng marijuana na nagresulta ng pagkaaresto bandang 11:00 ng gabi kahapon.
Nakumpiska mula sa kanilang pag-iingat ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng marijuana, 150 pesos, at tatlong cellphone.
Ang apat na suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Aparri Police Station para sa dokumentasyon bago dinala sa PDEA R02 para sa drug test at laboratory examination.
Patuloy rin ang paghahanap sa isa pang suspek na nakatakas sa isinagawang hot pursuit operation ng mga pulis.