Saturday, November 7, 2026

Apat na bus company na nag-o-operate sa EDSA Bus Carousel, nabistong nag-o-over charge

Nagbabala si Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon sa mga kumpanya ng bus na nag-o-overcharge.

Kasunod na rin ito ng natanggap niyang report na may apat na bus ng EDSA Bus Carousel ang nag-o-overcharge.

Kasama na rito ang Royal Transport Corp., R Vineyard Transport Corp., Joycel Panama Bus Company.

Ani Dizon, ipapatawag niya sa susunod na linggo ang mga may-ari ng bus company at kapag napatunayang totoo ang mga lumabas na report ay siguradong may gugulong na ulo.

Kasabay nito, may babala rin si Dizon sa mga bus company na nag-o-operate hindi lamang sa EDSA Bus Carousel.

Facebook Comments