Friday, November 6, 2026

Grupo ng mga manggagawa, sasalubungin ng kilos-protesta ang pagdating ni US President Donald Trump sa bansa

Sasalubungin ng kilos-protesta ng libo-libong myembro ng mga grupo sa ilalim ng All Workers Unity ang pagdating ni United States President Donald Trump sa bansa, o sa November 16 at 17, para sa nalalapit na ASEAN Summit.

Ito ang inihayag ng mga lider ng mga grupo ng manggagawa sa sektor ng transportasyon, edukasyon, BPO, at mga pribadzo at pampublikong manggagawa, sa isang street press conference ngayong Biyernes ng umaga, November 6 sa Welcome Rotonda, Quezon City.

Ayon sa mga grupo, lalahok sila sa kilos-protesta para ipahayag ang kanilang pagtutol sa pagpasok ni Trump sa bansa, maging sa pagpirma ng kasunduan kaugnay ng pagtatayo ng Pax Silica sa Tarlac.

Maliban sa kilos-protesta sa November 16 at 17, nagkasa at magkakasa rin umano ang iba’t ibang grupo ng manggagawa ng magkakahiwalay na kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa loob ng 12 araw, bago ang nakatakdang pagdating ni Trump sa Pilipinas.

Facebook Comments