Apat na bus terminals sa Pasay, pinasara ng MMDA

Manila, Philippines – Isinilbi ng Metropolitan Manila Development Authority ang cease and desist order laban sa bus terminals sa Pasay na lumabag sa nose-in nose-out policy at iba pang ordinansa.

Kabilang sa mga pinasara ang Bragais, Pamar, St Jude Transit at St. Raphael.

Ayon sa MMDA, Maliban sa paglabag sa pinaiiral na polisiya, walang permit at kulang sa maayos na pasilidad para makapag-operate bilang terminal ang mga pinasarang bus companies.


Bago nito,tatlong bus terminals din ang ipinasara ng MMDA.

Kabilang dito ang DLTB.Co, Dimple Star at Roro Bus Lines sa North Bound ng EDSA Quezon City.

Ang nasabing operasyon ay bahagi rin ng pagpapatupad ng “nose-in nose-out” policy ng MMDA at LTFRB sa EDSA.

Ang malilit na bus terminals ng anila kasi ang nakakapagpasikip sa daloy ng trapiko sa EDSA dahil hindi nakakapag-maniobra sa loob ng makipot na terminal ang mga bus nito.

Facebook Comments