Dating MRT General Manager Al Vitangcol, binasahan na ng sakdal sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Binasahan na ng sakdal si dating MRT3 General Manager Al Vitangcol sa Sandiganbayan 6th Division.

Si Vitangcol ay nahaharap sa dalawang bilang ng graft charges kaugnay sa pangingikil umano nito ng 30 Million dollars sa Czech Company na Inekon kapalit ng maintenance contract ng railway system at mga dagdag na bagon.

Nag-plead naman ng “not guilty” si Vitangcol sa kinakaharap na kaso.


Nauna dito ay ibinasura ng Sandiganbayan ang inihaing motion to quash ni Vitangcol dahil sa kakulangan ng matibay na basehan para kasuhan ito.

Nahaharap si Vitangcol sa paglabag sa Section 3 ng RA 3019 o ang Anti Graft and Corrupt Practices Act matapos na mangikil at pilitin ang Inekon sa joint venture agreement sa pagitan ng Philippine Trans Rail Management and Services Corp. (PH-Trams).

Facebook Comments