Apat na buwang sanggol at ina nito sa Pasay City, nagpositibo sa COVID-19

Apat na buwan na babaeng sanggol sa Pasay City ang nagpositibo sa COVID-19 gayundin ang ina nito.

Ang nurse na si Mark Anthony Ejercito Castillo na nakatalaga sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Pasay ang unang rumesponde sa sanggol at sa 23-anyos na ina nito.

Ang mag-ina ay agad na na inilipat sa MOA quarantine facility at para mas matiyak na mabibigyan ng atensyon ay inilipat malapit sa nurse station ang kanilang kuwarto.


Posible aniyang nakuha ng bata ang virus sa kanyang ina na nagpapadede rito.

Sinabi pa ni Castillo na posibleng nakuha ng bata ang virus dahil hindi pa lubusang na-develop ang anti-bodies nito na panlaban upang hindi siya magkasakit.

Tiniyak naman ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na babantayan nila ang mag-ina para matiyak ang kaligtasan nito

Nanawagan din ang pamahalaang lungsod ng Pasay sa mga mamamayan, partikular sa mga magulang na may mga anak na sanggol na pag-ibayuhin ang pag-iingat at pagsunod sa mga itinakdang health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments