Apat na Chinese patay sa buy bust operation sa Pampanga

204

Nasawi ang apat na mga Chinese matapos ang ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa isang subdivision sa Barangay Pulong Cacutud, Angeles City, Pampanga kaninang umaga.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas-10:00 ng umaga kanina nang isagawa ang operasyon ng mga pulis, militar at mga tauhah ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nanlaban ang mga suspek sa ikinasang operasyon dahilan ng pagkamatay ng mga ito na kinilalang sina Cai Ya Bing, 29 anyos, Shanxi Erbo Ke, 34 anyos, Huang Guidong, 43 anyos at Wuyuan Shen na gumagamit din ng pangalang Jinpeng Zhang, 41 anyos.


Nakuha sa kanila ang 38 kilo ng shabu na may estimate drug price na Php 262,200,200.

Narekober rin sa mga ito ang apat na caliber .45 pistols, dalawang cellular phone at digital weighing scale.

Facebook Comments