iFM Laoag – Sunud-sunod ang mga naitalang namatay sa COVID-19 sa Ilocos Norte.
Gaya na lamang ng huling datus ng Provincial Government, mayroong apat na namatay sa nasabing sakit kahapon lamang. Dalawa sa mga ito ay mula sa Laoag City na mayroong code na IN-C2043, lalaki, animnapung taong gulang (60) ken mula sa Brgy. 44 Zamboanga sa lungsod, IN-C2055, isang lalaki, animnapu’t-apat na taong gulang 64, na taga Brgy. 40 Balatong sa nasabing lungsod parin.
Samantala, dalawa naman sa apat na namatay ay mula sa bayan ng Bacarra, si IN-C1896, isang ginang, pintongpu’t anim na taong gulang (76), residente ng Brgy. 8 San Agustin 1 ng nasabing bayan, at IN-C1920, isa ring ginang, pitompu’t apat na taong gulang (74), at residente naman ng Brgy. 35 Pipias sa nasabing bayan.
Una umano ang mga itong naitakbo sa Ospital ng Batac City dahil nakitaan ang iba ng mga simtomas at ang apat ay may edad na.
Idinaan sa cremation ang mga bangkay ng mga biktima sa crematorium naman ng Vigan City, Ilocos Sur.
Sa ngayong, nakatala na ng dalawampu’t tatlong (23) bilang na ang probinsya na namatay sa COVID-19 sa Ilocos Norte, karamihan sa mga ito nagmumula sa Laoag City. ##[Bernard Ver/Joe Anne Agustin, RMN News]