Simula bukas, October 30, dagdag na apat na ruta ang bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga tradisyunal na pampasaherong jeep.
Aabot sa 507 traditional jeepneys ang papayagan nang makapasada sa mga bubuksang ruta sa Metro Manila.
Kabilang sa dagdag na mga ruta ang sumusunod:
- Parang – Recto
- Parang – Stop & Shop via Aurora Blvd.
- Recto – Sss Village via Aurora Blvd., Espana Blvd.
- Libertad – Pinagbarilan
Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity.
Bilang kapalit ng special permit (SP), mayroong QR code na ibibigay sa bawat operator na dapat i-print at ipaskil sa PUV.
Pwede ring i-download ang QR code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).
Nagpaalala naman ang ahensya sa mga tsuper na istriktong ipatupad ang health protocols at hindi dapat magpatupad ng taas-pasahe.