Drug suspek sa Balindong, Lanao Del Sur, inaresto ng PNP

42

Huli sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Lanao Del Sur Police Provincial Office ang isang drug personality habang ito ay nagbebenta ng ilegal na droga sa Barangay Bantogawato, Balindong, Lanao Del Sur.

Kinilala itong si Jalil Kader, 31-anyos, isang electrician at residente ng nasabing barangay.


Sa ulat ni Philippine National Police (PNP) BAR Regional Director BGen. Samuel Rodriguez, nakuha sa naarestong si Kader ang apat na maliliit na sachet ng shabu, isang 500 pesos bill at cash na P120,00.

Sa ngayon, nasa kustodiya ito ng Balindong Municipal Police Station habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments