Apat na DLSU-Manila Chemical Engineering graduate, pasok sa top ten licensure exams

Image via Facebook/ De La Salle University Official

Sa inilabas na resulta ng licensure examinations ng Professional Regulation Commission (PRC), apat na Chemical Engineering graduates ang pasok sa top ten list.

Nakuha ni John Paolo Lucin Lazarte ang top spot na 84.10 porsyento habang si Jerwin Lawrence Cheng Go na nasa ikatlong puwesto, Cyril Benedict Velayo Lugod sa ikaapat  at Amos Bos Tan na nasa ikapitong puwesto.

Ayon sa PRC, 313 lamang ang nakapasa sa 616 na kumuha ng exam.


Dalawa naman sa Adamson University ang nakapasok sa top ten na sina Ma. Angelica Abello Diongson at Fher Louis Subade Calaor.

Dalawa rin na galing sa University of the Philippines – Los Baños (UPLB) ang pasok na sina Kem Monterico Taghap at Manuel Christian Salvagon Caparas.

Sina Mark Darryl de Belen Ang at John Aldus Tan Dado ay mula sa Mapua University (M.I.T.)

Galing naman sa University of San Carlos sa Cebu City sina  Armel Jay Polintan Mercado at Ariel Danielle Anjelu del Mar Suico.

Habang si Genesis Lance Unira Orejas ay mula naman sa University of the Philippines- Diliman.

Nauna nang ibinalita na naghati sa top spot ang dalawang graduate sa DLSU- Manila sa CPA licensure exams.

Facebook Comments