Lalaking pinagkamalang gin ang tiner, patay

Bayambang Pangasinan – Nalason ang isang 34 anyos na lalake mula Brgy. Sapang, Bayambang, Pangasinan pagkatapos aksidente umano nitong makainom ng tiner. Tinitignan ngayon ng mga imbestigador mula sa PNP Bayambang ang anggulong pinagkamalang alak ng biktima ang isang bote ng tiner kaya ito ay ininom nya.

Naisugod pa naman ang biktima na nakilalang si Rodel Tantay, sa pinakamalapit na ospital na naglagi pa sa doon ngunit di kalaunan ay dineklarang patay dahil sa pagkalason. Ayon sa mga doctor na sumuri sa biktima, hindi na nakayanan ng katawan ng biktima ang lasong nainom nito kaya tuluyan na itong bumigay.

Facebook Comments