Apat na drug suspek, huli sa magkakahiwalay na drug operation sa Tayabas, Quezon 

61
Handcuffs

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) – Quezon ang apat na drug suspek sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Tayabas City. 

Kinilala ang mga nahuling drug suspek na sina John Lloyd Caagbay Exjiha, 23-anyos, Arjay Ayangco Piñol, 29-anyos, Novelon Reyes Naynes, 39-anyos at Elmel Macalinao Obdianela, 42-anyos. 

Si Exjiha ay nahuli sa Brgy. Kanlurang Palale, Tayabas City, si Pińol ay sa Brgy. Silangang Katigan, Tayabas City, si Naynes ay naaresto rin sa Brgy. Kanlurang Palale, Tayabas City habang si Obdianela ay sa Brgy. Lawigue, Tayabas City. 

Pare-pareho silang inaresto dahil sa iligal na droga na ngayon ay nakakulong na sa custodial facility ng Tayabas City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act sa Office of City Prosecutor Tayabas City. 

Facebook Comments