Navotas City Hospital, nangangailangan ng mga dagdag na medical frontliners  

36

Hiring ngayon ang Navotas City Hospital ng mga dagdag na medical frontliners.  

Nangangailangan ang lokal na pagamutan ng dagdag na radiologic technologist, staff nurse, health emergency management system at pharmacist.  

Ang mga interesadong aplikante ay maaaring magsumite ng letter of application na naka-address sa City Mayor at kay Dr. Christia Padolina na Chief of Hospital.  

Kalakip ng requirements sa kanilang aplikasyon ang resume, diploma, Transcript of Records (TOR), board rating, Professional Regulations Commission (PRC) ID o elegibility certificate, certificate of training at voter’s ID.  

Maaaring ipadala ang aplikasyon sa 3rd floor Administrative Office, Navotas City Hospital o i-email sa navotascityhospital.hr@gmail.com.  

Ang deadline naman ng application ay hanggang October 2, 2020. 

Facebook Comments