Ipinag-utos ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsasara sa apat na dumpsites sa Pampanga.
Naglabas ng closure order ang DENR sa mga dumpsite sa mga bayan ng Bacolor, Porac, at San Fernando dahil sa paglabag sa Clean Air Act.
Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda, napuna nila ang hindi tamang pagtatapon ng mga hospital waste gaya ng diapers, hiringilya, packaging ng mga gamot at ang tube na pang-dialysis.
Pangamba ni Antiporda, posibleng magkaroon ng leak kapag umulan.
Binigyan ng DENR ang mga Alkalde ng Bacolor, Porac, at San Fernando ng pitong araw para magsumite ng Plan of Action.
Babala ng ahensya, posibleng makasuhan ang mga Alkalde kapag pinabayaan pa ang sitwasyon.
Facebook Comments