Apat na election system providers, magpi-prisenta sa COMELEC ng iba’t ibang online voting solutions

Magsasagawa ng serye ng online consultative meetings ngayong linggo ang Commission on Elections (COMELEC) para iprisenta sa external stakeholders ang online voting solutions ng apat na iba’t ibang election systems providers para sa mga susunod na halalan.

Ang apat na kumpanya ay ang Dominion Voting Systems, Indra, Smartmatic International at Voatz.

Ang Dominio Voting Systems ay haharap ngayong araw, mula alas-10 hanggang alas-12 ng tanghali.


Sa December 16 ang Indra mula alas-3 hanggang alas-5 ng hapon.

Ang Smartmatic International ay nakatakdang humarap sa December 17 mula alas-2 hanggang alas-4 ng hapon.

Ang Voatz naman ay sa December 18, alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Matatandaang pinaplano ng poll body na magsagawa ng test run sa mobile voting application para magamit sa mga susunod na eleksyon.

Facebook Comments