Halos lima sa bawat 10 Pilipino, ikinokonsiderang mahirap – SWS survey

Photo Courtesy: Social Weather Stations

Halos kalahati o 48% ng pamilyang Pilipino ang ikinokonsidera ang sarili bilang mahirap.

Ito ang lumabas sa November 2020 Survey ng Social Weather Stations (SWS).

Mababa ito kumpara sa 54% na naitala noong Disyembre ng nakaraang taon.


Batay sa survey, 36% ang nagsabing sila ay ‘borderline poor’ at tanging 16% ang naghayag na hindi sila mahirap.

Bukod dito, 31% ng pamilyang Pilipino ay food-poor, 47% ay borderline food-poor, at 22% ang non-food-poor.

Hindi rin nagbago ang national median Self-Rated Poverty (SRP) Threshold na nasa 12,000 pesos at Self-Rated Poverty Gap na nasa ₱5,000.

SRP Threshold ay ang minimum na buwanang sahod na kailangan ng mga mahihirap na pamilya para sa kanilang pang-araw-araw.

Ang SRP Gap naman ay halaga ng pera na kulang sa kanilang buwanang budget.

Ang survey ay isinagawa sa 1,500 respondents mula November 21 hanggang 25.

Facebook Comments