Apat na Gusali sa Cordon, Isabela, Ni-ransack ng mga Kawatan!

Cordon, Isabela- Hinalughog at ninakawan ng hindi pa matukoy na mga suspek sa magkaka-ibang oras ang apat na gusali sa Brgy. Magsaysay, Cordon, Isabela.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan sa PNP Cordon, ang mga nanakawan ay ang gusali ng Department of Agriculture, ang opisina ng Bureau of Internal Revenue, maging ang gusali ng mga Senior Citizen at opisina ng Pangkaunlaran sa naturang Barangay.

Ayon sa PNP Cordon, natanggap umano nila ang impormasyon ng magreport sa kanilang himpilan ang isang Senior Citizen na nilooban ang kanilang gusali maging ang isa pang empleyado ng Department of Agriculture.


Sa ngayon ay kasalukuyan pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Cordon hinggil sa naturang Panloloob.

Facebook Comments