NAGALINGAN | 3 opisyal ng pamahalaan, pinuri ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Sa harap ng inaasahang sibakang mangyayari ngayong linggo, ilang mga tauhan naman sa gobyerno ang nakatanggap ng papuri mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa sa tatlong mga binanggit ng Pangulo ay si HUDCC Chairman at Task Force Bangon Marawi Head Eduardo del Rosario na maayos ang pamamahala sa Marawi rehabilitation.

Bukod dito wala aniya naririnig ang Pangulo na anomang red tape, delay at iregularidad tungkol kay del Rosario.


Bukod kay del Rosario, binanggit din ng Pangulo si DENR Secretary Roy Cimatu at si DILG OIC Secretary Eduardo Ano dahil sa pagiging istrikto at disiplina ng mga ito.

Facebook Comments