Apat na indibidwal huli sa Ilocos Norte dahil sa pekeng COVID-19 results

129

iFM Laoag – Timbog ang apat na lalaki na balak pumasok sa Ilocos Norte gamit ang pekeng COVID-19 Results sa border control ng Probinsya.

Nakilala ang mga ito na sila Jowie Salas, driver ng SUV Pick-up na kanilang sinakyan, Daniel Canlas, isang helper, Albert Aquino Gamboa at Jaymar Castro, installers ng aluminum. Silang apat ay nagmula sa Angeles City, Pampanga.


Ayun sa Provincial Government ng Ilocos Norte, gumamit ang mga ito ng photocopied COVID-19 Fake results.
Dahil dito haharap ang apat na suspect sa Article 174 ng RPC sa ilalim ng Sec. 27 ng RA 10951 ( Falsification by Private Indiciduals and use of Falsified Documents). – Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments