Apat na Kalalakihan, Arestado sa Iligal Na Sugal!

30

Cauayan City, Isabela – Matagumpay na naaresto ang apat na kalalakihan dahil sa iligal na sugal na naganap sa Purok 8, San Fermin, Cauayan City sa oras na alas otso imedya ng gabi, Abril kinse, mil disi otso.

Nakilala ang mga lumabag sa PD 1602 na sina Saldy Carbonell Tabadero, trentay sais taong gulang, may asawa; Jefferson Lingon Semilla, bente syete taong gulang, may asawa, construction worker; Jimmy Mendoza Damatan, trentay otso taong gulang, may asawa; Vergil Curampez Galoloy,disi sais taong gulang na pawang residente ng Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Batay sa pangyayari, ipinaabot umano ng isang concern citizen sa tanggapan ng City Police Station ang ginagawang paglalaro ng baraha ng grupo sa nasabing lugar.

Nagresponde agad ang kapulisan at naaktuhan ang apat kung saan nakuha sa kanila ang isang set ng baraha at pera na pitong daang piso.

Nasa tanggapan na ng Cauayan PNP ang apat na lalaki at mga nakumpiska para sa karagdagang disposisyon.

Facebook Comments