Kinumpirma sa IFM Dagupan ni Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty Marino Salas na may mga napadalhan na sila ng mga sulat at pagpapaliwanag kung bakit dapat hindi masuspende dahil sa isyu ng Premature Campaigning sa magaganap na Barangay and SK Elections.
Sa naging panayam sa opisyal sinabi nito na apat na mga kandidato ang napadalhan na ng sulat kaugnay nito ay titignan kung tutuluyan pa lalong lalo na nakadepende ito sa mga sagot ng nasabing kandidato.
Samantala, all Systems Go na din naman aniya ang hanay ng COMELEC para sa magaganap na Election sa Barangay limang linggo mula ngayon.
Lumagpas ng kunti aniya ang bilang ng mga nagfile ng COC dahil na limampung libo ang inaasahan nila pero umabot ng limamput pitong libo lahat.
Kaugnay nito ay magpupulong ulit aniya ang mga COMELEC at attached agencies nila para sa paghahanda ng papalapit na halalang pambarangay. |ifmnews
Facebook Comments