Apat na kandidato sa pagkapangulo, nagkaisang itaas ang minimum na sahod

Nagkaisa ang apat na kandidato sa pagkapangulo na itaas ang daily minimum wage ng mga manggagawa para matulungan silang makayanan ang mataas na halaga ng gasolina at mga pangunahing bilihin.

Sa “Usapang Halalan 2022: The CBCP Election Forum,” binanggit nina Vice President Leni Robredo, Senator Manny Pacquiao, dating Defense Secretary Norberto Gonzales at labor leader Leody de Guzman ang magkahiwalay na programa kung paano nila palalakasin ang ekonomiya sa ilalim ng kani-kanilang administrasyon.

Ayon kay De Guzman, hindi totoong magsasara ang mga pabrika oras na itaas ang minimum na sahod ng mga manggagawa.


Aniya, mas makakapagpaunlad pa ito dahil kung may pera ang tao ay uunlad din ang merkado.

Sinabi naman ni Gonzales na ang susunod na pamahalaan ay dapat tumugon sa pagbibigay ng mga pagkakataon para sa lahat ng Pilipino na maging negosyante.

Kapwa naman iginiit nina Robredo at Pacquiao na ang pagtataas ng sahod ay posible lamang sa pamamagitan ng mabuting pamamahala.

Facebook Comments