Ginebra, hawak na ang 2-0 semis lead kontra NLEX

Nilampaso ng Barangay Ginebra ang NLEX Road Warriors sa score na 104-94 at makuha ang 2-0 na bentahe sa kanilang best of five semifinals.

Dahil dito, isang panalo na lamang ang kailangan ng Ginebra para makaabente sa finals ng 2021 PBA Governors’ Cup.

Nanguna sa Ginebra ang import na si Justin Brownlee na nagtala ng 32 points, nine rebounds at anim na assists habang nag-ambag ng tig-17 points si Scottie Thompson at Christian Standhardinger.


Samantala … Naitabla naman ng Meralco Bolts sa 1-1 ang best of five semifinals game kontra Magnolia Hotshots sa score na 81-75.

Bumida sa panalo ng Bolts ang kanilang import na si Tony Bishop Jr. na may 22 points at 14 rebounds.

Facebook Comments