Apat na katao, sugatan sa banggaan ng bus at jeep sa Quezon City

Manila, Philippines – Sugatan ang apat na katao matapos mabangga ng pampasaherong bus ang pumapasadang jeepney sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon kay George Fernandez, administrator ng barangay commonwealth, nakahinto ang jeep para magsakay ng pasahero nang banggain ito ng bus.

Dahil sa lakas ng impact, umarangkada ng mahigit sampung metro ang jeep.


Aminado naman ang driver ng bus na si Arnel Hortaleza na nakaidlip siya.

Gayunman, nangako itong sasagutin niya ang pagpapagamot ng mga biktima at nakipag-kasundo na rin sa driver ng jeep.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments